Inilahad ni disbarred lawyer at Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang motibo sa likod ng pang-aagaw ng liderato ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Senado.
Sa latest Facebook post ni Gadon noong Martes, Hunyo 9, mapapanood ang video niya kung saan niya sinabi na gusto raw ni Cayetano na maabswelto si Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong impeachment.
“Sa umpisa pa lamang ay halatang-halata na ang motibo ni Sen. Alan Cayetano sa pag-agaw ng pwesto ng Senate President ay upang kanilang ma-acquit si VP Sara doon sa kaniyang impeachment,” saad ni Gadon.
Dagdag pa niya, “Wala pang pinapasa ang House of Representatives na Articles of Impeachment ay nagsasalita na sila na dapat ito ay mapawalang-bisa, mapawalang-sala, at dapat itong ma-dismiss.”
Bukod dito, isa pa umano sa nakikitang dahilan ng disbarred lawyer kung bakit nagkasa ng kudeta ang grupo ni Cayetano ay upang mabago ng mga ito ang naratibo tungkol sa maanomalyang flood control project.
Ito ay sa kabila ng katotohanang nag-convene na ang Senado noong Mayo 18 bilang impeachment court. Nanumpa na rin si Cayetano bilang presiding officer.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis laban kay VPSara sa darating na Hulyo 6.