Inatasan ng maimpluwensiyang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga diyosesis sa bansa na magdaos ng special prayers at mangalap ng emergency funds para sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Nanawagan din si CBCP President Archbishop Gilbert Garcera sa mga diyosesis at religious communities na isama sa kanilang special intentions sa panahon ng mga banal na misa sa Linggo, Hunyo 14, ang mga biktima at responders ng lindol.
Hinikayat din niya ang mga obispo na i-awtorisa ang pagsasagawa ng second collection sa nasabing mga banal na misa upang suportahan ang relief at rehabilitation efforts sa mga apektadong lugar.
“The proceeds of this collection may be transmitted through the diocesan social action centers and Caritas Philippines to support the emergency relief and rehabilitation efforts for our affected brothers and sisters,” aniya pa.
Nagpaabot din naman ang CBCP ng labis na kalungkutan at pakikiisa sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Sarangani province at ibang panig ng Mindanao noong Hunyo 8.
KAUGNAY NA BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani
“We grieve with the families who have lost loved ones, pray for the speedy recovery of those who have been injured, and stand in spiritual communion with all those who have been displaced from their homes and livelihoods,” ani Garcera.
Dagdag pa ni Garcera, ang simbahan ay tinatawag upang maging “a sign of hope and a witness of charity."
Hinikayat din niya ang mga Katoliko na huwag ipagkait ang tulong sa mga nangangailangan.
“As one family in Christ, we cannot remain indifferent to the suffering of our brothers and sisters. Their pain is our pain; their loss is our loss,” aniya pa.