June 10, 2026

Home BALITA

Sen. Bam, iimbestigahan makupad na pagpapatayo ng classroom

Sen. Bam, iimbestigahan makupad na pagpapatayo ng classroom
Photo Courtesy: Bam Aquino (FB), via MB

Magkakasa ng pagsisiyasat si Sen. Bam Aquino kaugnay sa mabagal na pagpapatupad ng ₱67 bilyong pondo para sa 25,000 classroom construction bilang tugon sa kakulangan nito sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng makasaysayang paglalaan ng trilyong pondo sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).  

Sa Facebook post ni Sen. Bam nitong Martes, Hunyo 9, sinabi niyang sa pagbabalik niya bilang chaiperson ng Senate Committee on Basic Education, tututukan niya kung bakit nabalam ang pagpapatupad nito. 

“Responsibilidad nating tiyakin na ang pondong inilaan para sa edukasyon ay agad na nakararating sa mga paaralan at estudyanteng nangangailangan nito. Hindi sapat na maaprubahan ang budget—kailangan ding magsigurong mabilis at maayos itong naipatutupad,” saad ni Sen. Bam.

Dagdag pa niya, “Iimbestigahan natin ang mga dahilan ng pagkaantala upang matiyak na agad na napapakinabangan ang mga pondong inilaan para sa edukasyon.”

National

'Mamamatay akong nakangiti!' Huling posts at pag-sign off ni Rene Baterbonia, binalikan

Anang senador, pumalo na umano sa 166,000 ang kulang na classroom sa buong bansa. 

Samantala, mahigit 1,000 silid-aralan naman daw ang nawasak dulot ng nangyaring lindol sa Mindanao.