Iginiit ng aktor na si Romnick Sarmenta ang kaniyang tindig sa gitna ng bangayang pampolitika.
Sa X post ni Romnick noong Lunes, Hunyo 8, sinabi niyang isa raw siyang makabayan at walang politikong kinakampihan.
“Para sa mga nagsasabing may kinakampihan ako... ala. Ala kayo nung sinabi ko ang sinusuportahan ko.
Hindi sa mga pulitiko,” saad ni Romnick.
Dagdag pa niya, “Oo, di ako maka VP, pero di rin ako makapresidente ninyo. Makabayan ako.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"consistent yung script ng DDS. sila-sila lang nagkakaintindihan "
"WOW PAREHO TYO KCI DI KO KAHIT KELAN GINUSTO ANG UNITHIEVES !!!"
"Doesn't really matter kung may kinakampihan ka, your voice is as good as everybody else's, malulunod lang din sa dami ng boss sa social media."
"Ganyan naman sila, either black or white just to stick sa narrative nila"
"Ganito script ng mga laos at di na pinapansin!!!"
"speaking english na ang bulul at laos na matanda."
"Tama! Hindi lamang dalawa, lawakan ang isipan."
"Punta ka sa Mars doon ka magpaliwanag!"
Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa mga isyung panlipunan.
Kaugnay na Balita: Romnick Sarmenta sa mga politiko: 'Everything is a joke—until you realise, they are the joke!'
Samantala, noong 2022 presidential elections, hayagan niyang sinuportahan sa pagkapangulo si dating Vice President Leni Robredo at ang running mate nitong si Atty. Kiko Pangilinan.
MAKI-BALITA: Romnick Sarmenta kung bakit si Kiko: 'Kaagapay sa hanap buhay; Obrero ng Pilipino'