June 09, 2026

Home BALITA National

Magnitude 5.5 na lindol, yumanig sa Balut Island!

Magnitude 5.5 na lindol, yumanig sa Balut Island!
PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Balut Island, Sarangani, Davao Occidental nitong Martes, Hunyo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). 

Sa ulat ng PHIVOLCS, naganap ang lindol bandang 2:15 ng tanghali sa Balut Island, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity II sa Alabel, Sarangani.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Kaugnay nito, nilindol din kaninang umaga ang Balut Island, ngunit ito raw ay aftershock ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Maasim, Sarangani noong Lunes, Hunyo 8. 

National

Kanino susundin? Sen. Cayetano at Gatchalian, nagpuksaan ng memo para sa Senate employees

KAUGNAY NA BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani