Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kasalukuyan na umanong namumuo ang kondisyon ng El Niño sa tropical Pacific.
Ito ay matapos maobserbahang umabot na sa +0.5°C threshold relative sea surface temperature anomaly.
Batay pa sa ulat ng PAGASA nitong Martes, Hunyo 9, karamihan umano sa mga climate model ay nagsasabing may higit 80% na posibilidad na ito ay magiging isang ganap na El Niño, na magpapatuloy pa hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Likas na penomeno ang El Niño sa klima na nangyayari kapag umiint nang higit sa normal ang temperatura sa ibabaw ng karagatan sa gitna at silangang bahagi ng tropical Pacific.
Dahil dito, humihina ang hangin at nagbabago ang modelo ng klima sa buong mundo.
Ngunit posible pa rin namang mangyari ang higit sa normal na mga pag-ulan, partikular sa mga kanlurang bahagi ng Pilipinas sa panahon ng Habagat.
Patuloy namang magbabantay ang PAGASA sa kondisyon ng El Nino at sa kaugnay na epekto nito sa klima ng Pilipinas.
Samantala, pinaalalahanan naman nila ang publiko at lahat ng ahensya ng gobyerno para maghanda sa magiging epekto nito.