June 08, 2026

Home BALITA Probinsya

DOE, nakabantay sa power at fuel supply sa Sarangani kasunod ng lindol

DOE, nakabantay sa power at fuel supply sa Sarangani kasunod ng lindol
Photo courtesy: Philippine Red Cross (FB)

Binabantayan na ng Department of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente at langis sa probinsya ng Sarangani matapos itong yanigin ng magnitude 7.8 na lindol nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8. 

MAKI-BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani

Batay sa inilabas na pahayag ng DOE, sa pamamagitan ng kanilang Task Force on Energy Resiliency, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang electric cooperatives, distribution utilities, at oil industry stakeholders upang tutukan ang epekto ng magnitude 7.8 na lindol sa energy facilities sa Sarangani at mga karatig lugar nito. 

“Following the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to ensure the immediate assessment of critical infrastructure after major disasters, the Department of Energy (DOE), through its Task Force on Energy Resiliency, has activated coordination with electric cooperatives, distribution utilities, and oil industry stakeholders to assess the impact of the 7.8 magnitude earthquake on energy facilities in Sarangani and nearby areas,” saad ng DOE. 

Binanggit pa ng ahensya na kasalukuyan na silang kumakalap ng mga ulat sa kondisyon ng mga linya ng kuryente, substations, distribution facilities, fuel depots, retail stations, at iba pang imprastraktura ng enerhiya. 

Probinsya

Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Davao Occidental, pansamantalang suspendido–CGDESM

Layon din ng mahigpit na pagbabantay na matiyak na mayroong sapat at tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya at produktong petrolyo sa mga apektadong komunidad. 

Sa kaugnay na ulat, sinuspinde ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang unang araw ng pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa Mindanao dahil sa lindol, na nagbunsod din upang maglabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). 

MAKI-BALITA: First day of classes, naantala dahil sa lindol: PBBM, sinuspinde klase sa Mindanao

KAUGNAY NA BALITA: PHIVOLCS, naglabas ng tsunami warning sa Sarangani dahil sa magnitude-7.0 na lindol