June 06, 2026

Home SHOWBIZ

Ellen Adarna, binansagang ‘the best stepmom’ si Isabel Santos

Ellen Adarna, binansagang ‘the best stepmom’ si Isabel Santos
Photo Courtesy: Ellen Adarna (IG)

Nagbigay ng appreciation post ang aktres na si Ellen Adarna sa artist at kasalukuyang girlfriend ni award-winning actor John Lloyd Cruz na si Isabel Santos.

Sa isang Instagram story ni Ellen noong Biyernes, Hunyo 5, tinawag niya si Isabel bilang best stepmom ni Elias.

Si Elias ay anak nina Ellen at John Lloyd.

“Eh yung iniyakan kita for being the best stepmom mahal kita!” saad ni Ellen sa text caption.

Dagdag pa niya, “Nakahubad ka pa haahahahahh.”

Tsika at Intriga

Good Cayetano? Direk Lino PTV-4 head na, ikinumpara sa mga utol

Ni-repost naman ni Isabel ang Instagram story na ito ni Ellen.

Aniya, “Love youuu, thank you for being a friend and everyday textmate.”

Maging si John Lloyd ay walang masamang tinapay kay Ellen. Sa katunayan, pinuri pa nga niya ang aktor nang minsan siyang mausisa kung okay ba silang dalawa.

Ayon sa kaniya, "With JL [John Lloyd] wala talaga akong masabi. I have nothing but good things to say about him.”

Maki-Balita: Ellen Adarna kay John Lloyd: 'I have nothing but good things to say about him'

Matatandaang noong Disyembre 2025 ay nagkita ang dating mag-partner sa piano recital ni Elias bilang pagpapakita ng suporta sa bata.

Maki-Balita: Sey mo Derek? Mag-ex na sina Ellen at John Lloyd, nagkita ulit

Ito ay matapos mapabalitang hiwalay na si Ellen sa mister niyang si Derek Ramsay.

Kaugnay na Balita: 'Nanahimik ka na lang sana!' Ellen, nagpasabog ng mga resibo sa umano'y cheating ni Derek