June 05, 2026

Home SHOWBIZ

Artistang performative, ibinuking ni Mika Salamanca!

Artistang performative, ibinuking ni Mika Salamanca!
Photo Courtesy: Mika Salamanca (FB)

Isiniwalat ni Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca ang kilala niyang artista na performative.

Sa segment na “One for the Road” ng podcast na “Hot Takes” kamakailan, parehong pinatulan ni Mika ang hamon na kumain ng spicy food at sagutin ang spicy question kung sino ang kilala niyang artista o influencer na performative.

“I really think...ako,” natatawang sabi niya. "Kasi lagi nila sinasabi sa akin na performative ako!"

Ngunit sa kabilang banda, ayon sa PBB: Celebrity Collab Big Winner, hindi naman daw sa lahat ng pagkakataon ay negatibo ang pagiging performative.

Aniya, “If ‘yong pagiging hindi mo performative ay magiging masamang tao ka, pero kapag performative ka pala [ay] napakabait mong tao [at] nakakatulong ka sa ibang tao, I think kailangan natin ng konting performativity.”

Relasyon at Hiwalayan

Jillian Ward, ayaw ipangalandakan ang lovelife

“Kailangan natin maging kahit konti lang na performative sa buhay natin kung magiging mas mabuting tao tayo. I think we should,” dugtong pa ni Mika.

Ang performative ay tumutukoy sa mga taong mapagpanggap; ginagawa lang ang isang bagay upang mapanatili ang inaalagaan nilang imahe sa publiko.

Pinaniniwalaang nilikha ng pilosopong si J.L. Austin ang terminong ito sa language theory.