June 04, 2026

Home SHOWBIZ

'Iyakan n’yo ang ninanakawang Pilipino!' Karen Davila, sinita ‘emotional senators’ sa pagsuko ni Sen. Jinggoy

'Iyakan n’yo ang ninanakawang Pilipino!' Karen Davila, sinita ‘emotional senators’ sa pagsuko ni Sen. Jinggoy
Photo courtesy: Karen Davila/FB


Tinalakan ng broadcast journalist na si Karen Davila ang mga mambabatas na naispatang umiiyak sa gitna ng pagsuko ni Sen. Jinggoy Estrada sa awtoridad kaugnay sa kaso nitong plunder at graft hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Kasunod ito ng arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan laban sa mambabatas noong Lunes, Hunyo 1.

Sa isang X post na ibinahagi ni Davila nitong Martes, Hunyo 2, inisa-isa niya ang nais niyang ipaalala sa mga emosyonal na mambabatas.

“Senators were seen crying yesterday as a colleague was being arrested for plunder,” saad ni Davila.

Aniya, “This is in no way an indictment of the accused senator but I would like to remind our lawmakers…Iyakan n’yo ang ninanakawang Pilipino.”

“Iyakan n’yo ang binabaha dahil sa nakawan sa flood control. Iyakan n’yo ang gutom nating mga kababayan,” pagpapatuloy niya.

Tsika at Intriga

Walang kuya si Kuya! Sir Geybin inulan ng suporta, dasal, at pagmamahal



May pakiusap din ang mamamahayag para sa mga naturang senador.

“Get out of your bubble. Please,” anang mamamahayag.

Matatandaang nanindigan si Sen. Jinggoy na haharapin niya ang mga kasong ibinato laban sa kaniya.

“I will not yield to threats. I will not be intimidated. I will not be pressured into surrendering my independence of judgment,” saad ni Sen. Jinggoy.

Iginiit din niyang hindi niya gagamitin ang Senado bilang proteksyon laban sa mga reklamo sa kaniya.

“Above all, I will not place myself under Senate custody. I will not seek Senate custody. I will not use the Senate as a shield against the allegations being leveled against me,” diin ng mambabatas.