June 01, 2026

Home SHOWBIZ

Robi, ipinakilala ‘newest housemate’ nila ni Maqui

Robi, ipinakilala ‘newest housemate’ nila ni Maqui
Photo Courtesy: Screenshot from Robi Domingo (IG)

Inanunsiyo ni Kapamilya TV host Robi Domingo na isinilang na ng misis niyang si Maqui Pineda ang panganay nilang supling.

Sa latest Instagram post ni Robi nitong Lunes, Hunyo 1, tinawag niya ang baby nila bilang “newest housemate.”

“Our newest housemate,” saad ni Robi sa caption ng post kalakip ang video kung saan makikitang karga ni Maqui ang baby nila sa loob ng ospital habang tumutugtog ang theme song ng “Pinoy Big Brother.”

Inulan naman ng pagbati ang mag-asawa mula sa kani-kanilang celebrity friends. Narito ang ilan sa mga komento:

Gabbi Garcia: "Congratulations, you guys!!!"

Ogie Diaz, dumepensa; ‘di inimbento tsika tungkol kay Bela Padilla

Maricel Laxa-Pangilinan: "Yaaaaayyyyy!!!! Congratulations, what a blessing!!"

Jayda Avanzado: "omggg!! Congratulations to you two, Kuya Robi! "

Lea Salonga: "Waaaaaaah! Congratulations, you guys!!!"

Kim Chiu: "Congratulations robi and maiqs"

Maja Salvador: “Congratulations Mommaa @maiqweeks and Daddy @iamrobidomingo”

Matatandaang Enero 2026 nang ianunsiyo nina Robi at Maqui ang paparating nilang baby sa pamamagitan ng social media post.

Maki-Balita: ‘Our greatest blessing is on the way!’ Robi at Maqui, excited parents sa paparating nilang baby