Napag-interesan ng isang kawatan ang ilang gamit ni Kapuso actor sa kasagsagan ng Sparkle Run noong Sabado, Mayo 30.
Kabilang sa mga nakuha sa kaniya ay car keys, damit and towel na basa ng pawis, 5k run finisher medal, case ng airpods.
Sa isang Facebook post ni Royce noon ding Sabado, Mayo 30, sinabi niyang naniniwala umano siyang aksidente ang nangyari.
“Isang bagay ang sigurado ako—hindi aksidente ang nangyari dahil sa lahat ng pwede mawala bukod tanging gamit ko lang talaga ang pinili mong kunin,” saad ni Royce.
Dagdag pa niya, “Buti nalang at nasa bag ang Airpods ko kaya mabilis ko agad na-track ang kinaroroonan nito. From Quirino Grandstand napunta ng Circuit makati.”
Pinuntahan daw ni Royce ang kinaroroonan ng mga gamit matapos matukoy kasama ang isang marshall at dalawang pulis. Nakailang ikot pa umano sila bago tuluyang nakita ang kanilang hinahanap.
“Palabas na kami ng mall ng bigla nalang namin nakita ang bag ko sa poste kung saan malapit na nakapark ang mobil. Nakalapag at bukas lahat ng zipper. Agad ko itong kinuha,” aniya.
Ayon sa aktor, hindi raw maalis sa isip niya kung ano raw talaga ang pakay ng kawatan batay sa mga pinili nitong nakawin sa kaniya.
Sa ngayon, itutuloy umano ni Royce ang aksyon laban sa kawatan. Sa katunayan, maghahain siya ng police report at ipapasuri ang mga CCTV sa lugar.