May 31, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Ako nagpauso!’ Keanna Reeves, mahilig sa bagets

‘Ako nagpauso!’ Keanna Reeves, mahilig sa bagets
Photo Courtesy: Keanna Reeves (FB)

Tahasang inamin ng former Pinoy Big Brother (PBB) first celebrity edition winner na si Keanna Reeves na mahilig siyang makipagrelasyon sa mga boylet na mas bata sa kaniya.

Sa isang episode ng award-winning hybrid dating at entertainment program na “Match Made” kamakailan, sinabi ni Keanna na siya raw ang nagpauso ng pakikipagrelasyon sa bagets at marami na raw ngayong nakigaya.

“No’ng nagjowa ako ng bata, ang dami-dami kong naririnig. Jina-judge ako, kasi ako ang nauna do’n, e. Ako ang nagpauso,” saad ni Keanna.

Ayon kay Keanna, mahilig umano siya sa mga lalaking nasa edad bente.

Dagdag pa niya, “No’ng una, 22. Nagka-jowa ako 19 tapos mga 5 years kami. Pangalawa naman, 19 tapos tumanda na sila sa akin. Parang gano’n.”

Relasyon at Hiwalayan

Ganyan pala dapat! DonBelle nagkainan, nagsalo sa iisang bacon

Pero hindi naman daw nangangahulugang exit na agad kapag tumanda na ang jowa niya.

Aniya, “Siyempre do’n na ‘yong mga 5 years na sinasabi ko na magkakasawaan. Kasi do’n mo mare-realize na kung mahal ka, magtatagal pa kayo.”

“Saka hindi mo rin masabi na may asawa naghihiwalay din, ilang years na. May mga anak, gano’n din. Tapos sabi nga nila, iiwan din ‘yan kasi may edad na ‘yong babae ta’s bata ‘yong [lalaki],” dugtong pa ni Keanna.

Sa ngayon, masayang-masaya raw si Keanna sa lovelife niya. Pero nag-iwan siya ng mensahe sa kaniyang jowa na tila may himig ng pagbabanta.

Sabi niya, “Isa lang naman sinasabi ko sa kaniya, ‘Huwag sa panahon ko. ‘Pag nagloko ka, lumayas ka na.’”

Matatandaang napaulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Marso 2025 na isang taon na ang relasyon ng dating PBB first celebrity edition winner sa 25-anyos na aspiring singer-actor na si Briant Scott Lomboy.