Naglabas ng matapang na pahayag ang dating "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Karen Bordador kung saan kinuwestiyon niya ang tila hindi pantay na pagtrato ng sistema ng hustisya sa mga akusado sa iba’t ibang kaso, lalo na sa graft and corruption na large scale.
Sa isang social media post nitong Biyernes, Mayo 29, inihalintulad ni Bordador ang sitwasyon ng ilang indibidwal na matagal nang nakakulong dahil sa umano’y maliliit na kaso ng pagnanakaw na nagkakahalaga lamang ng ilang libong piso, kahit hindi pa umano napatutunayang nagkasala.
Kasunod nito, kinuwestiyon niya kung bakit may mga kasong may kaugnayan sa graft and corruption o katiwalian sa gobyerno na napapailalim sa piyansa.
"Many are imprisoned for ridiculous number of years for a ₱4,000 less or more na theft that’s not even proven…
BUT graft and corruption at large scale is bailable suddenly???" aniya.
Binanggit din ng dating radio personality ang mga kaso ng syndicated estafa kung saan may ilang akusado umano ang nananatili sa kulungan habang nililitis pa lamang ang kanilang mga kaso.
"Even those with syndicate estafa that’s not even amounting to millions are languishing in jail even if their case is still being tried…"
"BUT already convicted… and now with same type of case upon the same person… pero nakalabas agad???" aniya pa.
“BUT already convicted… and now with same type of case upon the same person… pero nakalabas agad???” ani Bordador.
Sa huli, nanawagan siya ng patas na pagpapatupad ng batas para sa lahat, anuman ang estado sa buhay.
"Hmmmm. May the law favor all.. not just the rich and powerful please," saad pa niya.
Matatandaang limang taong naging PDL si Karen matapos masangkot sa isang kaso noong Agosto 13, 2016, sa bintang na pag-iingat at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
Maki-Balita: Radio DJ Karen Bordador, bf kinasuhan
Maki-Balita: 'We beg for your kindness,' pakiusap ng pamilya ni DJ Karen
Samantala, Hunyo 15, 2021 naman nang tuluyang makalaya at at mapawalang-sala si Bordador, at nakapasok pa nga sa PBB House.
Maki-Balita: Karen Bordador, ibinahagi ang karanasan sa loob ng kulungan
Photo courtesy: Karen Bordador (FB)
Kalakip ng kaniyang post ang larawan ng mga PDL o "Persons Deprived of Liberty" habang nakatalikod sila at nasa isang bulwagan at nakikinig sa isang nagsasalita sa harapan.
Umani naman ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang naturang pahayag, kung saan may mga sumang-ayon sa kaniyang obserbasyon habang mayroon ding nagpahayag ng ibang pananaw hinggil sa proseso ng hustisya at karapatan ng mga akusado sa ilalim ng batas.
Bagama't walang binanggit na partikular na pangalan kung sino ang pinatatamaan niya, nagkataon namang sumakto ito sa isyu ng pagpiyansa ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong kinahaharap niya nitong Biyernes, Mayo 29.