May 30, 2026

Home BALITA Metro

Higit ₱6M halaga ng umano'y ilegal na droga, ikinubli sa mga parcel!

Higit ₱6M halaga ng umano'y ilegal na droga, ikinubli sa mga parcel!
Photo courtesy: PNP


Aabot sa ₱6.4 milyong halaga ng umano’y ilegal na droga ang nasabat ng mga awtoridad matapos itong itago sa limang abandoned inbound parcels.

Batay sa ulat na ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes, Mayo 28, nasamsam ang mga kontrabando sa ikinasang interdiction operation ng mga personnel ng Aviation Securiy Unit - National Capital Region—kasama ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pasay City kamakailan.

Napag-alamang may lamang mga ilegal na droga ang mga parcel matapos dumaan sa x-ray screening at K-9 inspection.

Nasamsam sa mga parcel ang hinihinalang ecstasy, marijuana kush, cocaine, ketamine, at iba pa.

Isinumite na ang mga nasabat na kontrabando sa PDEA upang dumaan sa wastong pagsusuri at disposisyon.

Metro

DENR, itinanim ulit 2 Narra na pinutol sa Quirino Avenue