May 30, 2026

Home BALITA National

'Domeng,' di inaasahang magla-landfall

'Domeng,' di inaasahang magla-landfall
courtesy: PAGASA

Hindi inaasahang magla-landfall ang Tropical Storm "Domeng," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Mayo 29.

Dakong 12:30 ng madaling araw nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Domeng, na may international name na "Jangmi."

Sa 11:00 AM weather update ng ahensya, huling namataan ang bagyo sa layong 1,265 kilometers East of Southeastern Luzon. Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong 15 kilometers per hour. 

Ayon pa sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa bansa at hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo.

Bagama't walang tropical cyclone wind signal, hindi pa rin inaalis ng ahensya ang posibilidad na magtaas sila ng wind signal, partikular sa extreme Northern Luzon.

National

Mga Pinoy, 'mas satisfied' kay VP Sara kaysa kay PBBM

Samantala, lalabas ang PAR ang bagyong Domeng sa Lunes, Hunyo 1.