May 30, 2026

Home BALITA National

BFP, nagbabala sa pagkalat ng kanilang AI-generated photos

BFP, nagbabala sa pagkalat ng kanilang AI-generated photos
Photo courtesy: Bureau of Fire Protection (FB)

Nagbabala sa publiko ang Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa pagkalat ng kanilang Artificial Intelligence (AI)-generated photos sa social media. 

Sa abiso ng BFP nitong Biyernes, Mayo 29, ipinaalala nilang ang AI-generated photos online ay posibleng magdulot ng kalituhan, panic, at pagkalat ng mga maling impormasyon na maaaring makasagabal sa mga totoong emergency response. 

Kaya saad ng BFP, mahalagang tandaan na sa pagkilatis ng mga litrato, mahalagang suriin ang mga sumusunod: 

- Distorted texts o maling spelling at magulong pagkakasulat sa uniporme, helmet, o karatula.

- Anatomical anomalies o mga sobrang daliri, natutunaw na balat, at hindi natural na ekspresyon. 

National

Lalaking nangikil kapalit ng lokasyon ni Sen. Bato, ginamit lang daw ng pulis!

- Structural errors o mga bagay na nakalutang, mga kableng walang pinanggagalingan, at crane na hindi makatotohanan. 

- AI Sheen o mga perpektong lighting. 

Photo courtesy: Bureau of Fire Protection (FB)