May 31, 2026

Home BALITA National

Ambag ng turismo sa ekonomiya ng bansa, umabot sa ₱2.27T noong 2025!

Ambag ng turismo sa ekonomiya ng bansa, umabot sa ₱2.27T noong 2025!
Photo courtesy: MB


Umabot sa ₱2.27 trilyon ang naging ambag ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas noong nakaraang taon, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Huwebes, Mayo 28.

Ayon sa ahensya, katumbas nito ang 8.1% na “share” ng turismo sa ekonomiya.

Bahagya itong mas mababa kumpara sa 8.7% noong taong 2024, na aabot naman sa ₱2.30 trilyon.

Gayunpaman, mas mataas naman ito sa 8.4% noong 2023, na katumbas ay ₱2.05 trilyon na ambag.

Ayon pa sa PSA, nakuha nila ang tala sa pamamagitan ng Philippine Tourism Satellite Account (PTSA)—na siyang nagbibigay ng komprehensibong impormasyon tungkol sa turismo para sa pagsusuri ng konteksto sa macroeconomic accounts.

National

Legal counsel ng Gawad Kalinga founder, nagsalita tungkol sa pagkaaresto ng kliyente

Siwalat naman nila, 7.7 milyong Pinoy na manggagawa ang nagtatrabaho sa ilalim ng turismo—38.0% sa accommodation, food and beverage serving services; 25.4% sa country-specific tourism characteristic services; at 21.7% naman sa retail trade on tourism - characteristic goods.