May 30, 2026

Home BALITA Probinsya

3-anyos na paslit, pinagnasaan at pinatay ng 12-anyos na lalaki!

3-anyos na paslit, pinagnasaan at pinatay ng 12-anyos na lalaki!
Photo courtesy: Unsplash

Nailibing na ang tatlong taong gulang na batang babaeng natagpuang patay, isang araw matapos siyang napaulat na nawawala sa Mountain Province.

Ayon sa mga ulat, huling nakitang buhay ang biktima kasama ang kaniyang lola sa isang pagtitipon. Masiglang nakikipaglaro pa raw noon ang biktima bago siya tuluyang naglaho at hindi na natagpuang buhay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktima noong nareboker ang kaniyang bangkay.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang sangkot ang isang 12 taong gulang na binatilyo at walong taong gulang na batang babae sa nasabing krimen.

Ayon sa mga awtoridad, nag-iinuman umano ang ilang kabataan sa lugar bago mangyari ang krimen. Napadaan umano ang biktima malapit at doon na siya nakursunadahan ng 12-anyos na suspek.

Probinsya

2 trainee cadets, nasawi sa kalagitnaan ng training – PA

Inutusan ng 12-anyos na suspek ang walong taong gulang na batang lalaki na dalhin sa kaniya ang biktima. Bunsod umano ng takot, sumunod ang walong taong gulang na batang lalaki at dinala ang biktima sa suspek.

Doon na raw ginawa ng suspek ang mga kahalayan sa biktima at saka ito pinatay gamit ang pagpukpok ng kahoy sa ulo.

Dahil pa rin sa takot, napilitan umanong magsumbong ang walong taong gulang na batang lalaki sa kaniyang mga magulang hinggil sa nangyaring krimen.

Samantala, hawak na ng mga awtoridad ang 12 taong gulang na binatilyong suspek habang pansamantala namang pinalaya ang walong taong gulang na batang lalaki.

Patuloy ang panawagan ng kaanak ng biktima para sa hustisya.