May 28, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Medyo nalilito: Alex Calleja, napatanong kung napipikon ba ang Diyos 'pag nabanggit sa joke

Medyo nalilito: Alex Calleja, napatanong kung napipikon ba ang Diyos 'pag nabanggit sa joke
Photo courtesy: Alex Calleja (FB)

Inulan ng iba't ibang reaksiyon at komento ang makahulugang tanong ng stand-up comedian na si Alex Calleja patungkol sa pagbanggit sa salitang "Diyos" sa mga biro.

Noong Mayo 25, tila nag-solicit ng sagot si Alex kung masama raw bang mabanggit ang salitang Diyos sa jokes lalo na kung hindi naman ito foul.

"Kapag nababanggit ang salitang Diyos sa joke na hindi naman foul, maraming nagcocomment na 'wag mong gagamitin ang pangalan ng Diyos sa biro dahil may mangyayari sayo na masama,'" panimula ni Alex.

Katwiran ni Alex, medyo nalilito raw siya sa sagot dahil una, nakararamdam daw ba ng pagkapikon ng Diyos dahil ito ay damdamin ng tao.

"Medyo dito ako nagkakaroon ng kalituhan. Napipikon ba ang Diyos? Diba ang pikon ay damdamin ng isang tao. Hindi kaya ang napipikon ay ang tao para sa Diyos? Kasi ang Diyos ay hindi tao. Makapangyarihan siya."

Tsika at Intriga

IC Mendoza, ayaw ma-associate si Inday Badiday sa 'fake news peddlers!'

"Hindi ko maisip na mapipikon siya sa isang joke para parusahan ang isang tao. Kapag nagkasala ka nga pinapatawad ka eh joke pa kaya?"

"Ano ba ang masasabi niyo dito? Sana may sumagot na Pari o kaya mula sa iba't ibang religion. God bless sa mga sasagot," saad ni Alex.

Photo courtesy: Screenshot from Alex Calleja (FB)

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens. Marami rin ang nagbigay ng Bible verse patungkol dito, gaya ng Exodo 20:7 at Deuteronomio 5:11 patungkol sa hindi pagbanggit sa pangalan ng Diyos sa mga bagay na walang katuturan at kalapastanganan.

"Una sa lahat, gaya ng sabi ng ilan dito, Do not use the name of the Lord sa mga walang kapararakang bagay. Ang paggamit sa Diyos sa 'joke' ay isang halimbawa nito. Kahit nga ang simpleng 'OMG' ay di talaga angkop.

Yes. Loving at forgiving ang Diyos pero wag din nating kalimutan na siya ay Diyos. Just. Hindi siya kung sino lang na tao."

"For me, If someone uses 'sabi ni Lord…' in a teasing or manipulative way, it can feel disrespectful or uncomfortable especially if you value reverence toward God. Reverence is personal to—what feels harmless to one person may feel inappropriate to another. Gets ko joke lang, pero medyo uncomfortable ako kapag ginagamit si Lord sa ganung paraan. God bless us all."

"Sagrado ang pangalan ng Diyos. Kung hindi mo Siya papapurihan o pasasalamatan o hihingi ng tawad, huwag mo na lang banggitin."

"dahil sa ibat ibang perception ng tao hindi siya akma sa panahon ngayon. dahil tatamaan mo yung paniniwala nila. hindi siya nakakatuwa para sa iba. maghanap nalang ng alternatibo marami naman pwede gawing joke na magpapasaya."

Samantala, nagpasalamat naman si Alex sa lahat ng mga sumagot sa kaniyang tanong. Ipinagdiinan niyang nakatulong daw ito sa kalituhan niya.

"Salamat sa lahat ng maayos na sumagot. Nakatulong sa kalituhan ko. Yung mga sumagot na akala mo napakarumi ko at napakalinis niyo, mga may insulto pa, salamat din kasi natuto ako na hindi kayo tularan," saad pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Alex Calleja (FB)