May 27, 2026

Home SHOWBIZ

‘Asim mo!’ Klea Pineda, umalma sa sensitibong mensahe

‘Asim mo!’ Klea Pineda, umalma sa sensitibong mensahe
Photo Courtesy: Klea Pineda (FB)

Hindi pinalampas ni Kapuso actress Klea Pineda ang sensitibong mensahe ng netizen laban sa kaniya.

Sa Facebook MyDay ni Klea noong Martes, Mayo 26, ibinahagi niya ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kaniya.

"[D]apat sayo nirarape e kaso pati  rapist aayaw asim mo e," saad sa mensahe.

Kaya naman pinalagan niya ang sinabi ng netizen, na tila komportableng ginagamit ang mga masasakit na salita laban sa iba.

Ani Klea, “I'm already used to criticism being thrown at me at this point, but some people are getting way too comfortable with their words.”

Relasyon at Hiwalayan

Apple David, nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon nila ng basketbolistang bagets

“Nobody deserves to be on the receiving end of jokes like this,” dugtong pa niya.

Samantala, wala naman nang binanggit pa ang aktres tungkol sa kasunod na hakbang na gagawin niya laban sa netizen.