May 26, 2026

Home SHOWBIZ

'Kamukha niya talaga!' Ilong ni Lassy, pinagpiyestahan ng publiko!

'Kamukha niya talaga!' Ilong ni Lassy, pinagpiyestahan ng publiko!
Photo Courtesy: Lassy Marquez (FB), MC Muah (IG)

Napagdiskitahan ni MC Muah ang ilong ng kapuwa niya komedyante at “It’s Showtime” host na si Lassy Marquez.

Sa latest Instagram post ni MC kamakailan, inanunsiyo niya ang muling pagbabalik nila ni Lassy ng Pilipinas matapos ang kanilang comedy tour sa Canada.

“Konting tulog na lang nsa Pinas na kami yahoo! Makikita niyo na siya ulit sa Malapitan!” saad ni MC sa caption ng post kalakip ang zoomin photo ng ilong ni Lassy.

Dagdag pa niya, “Salamat Canada! Sa uulitin po ulit! ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Ashley Ortega, nadulas; binuking relasyon nina Mark Alcala at Kathryn Bernardo?

"pineplay ko, yan lang pala talaga "

"Hahaha akala ko talaga sikamukha nya talaga si"

" malapit na maglanding ang pambansang ilong"

"ahahahahah sibuyas ba yan mame hahahaha"

"Seriously, akala ko magkasama si Allan K at MC. "

"Over naman sa lapit ma"

"kahit hindi na hahaha"

"namiss na kayo sa showtime"

Kasama rin nina Lassy at MC sa Canada ang kapuwa nila komedyante at isa pang miyembro ng “Beks Battalion” na si Chad Kinis.