Nausisa ang buhay pag-ibig ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa ginanap na fashion show ng designer na si Haydee Garcia kamakailan.
Ilang ulit na rin kasing kumakalat ang mga kuhang larawan ni Catriona kung saan makikita ang lalaking madalas niyang kasama sa mga ganap.
Suspetsa ng ilang netizens, Douglas Charles ang pangalan ng lalaki o Douglas Nichols sa Instagram account nito.
Ngunit sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, tumanggi umano si Catriona na ibahagi ang tungkol sa lovelife nito matapos matanong.
"Love life is for me lang. Yeah, I'm happy. I'm doing well," saad ng beauty queen.
Sumundot pa raw ang PEP ng tanong kung may boyfriend na si Catriona pero hindi nito kinumpirma o itinanggi.
Sabi lang nito, "That's all I'm gonna say."
Matatandaang Pebrero 2025 nang kumpirmahin ni Sam Milby ang matagal nang uumuugong na balitang hiwalay na sila ni Catriona.
MAKI-BALITA: Sam Milby, kinumpirmang matagal na silang hiwalay ni Catriona Gray
Samantala, isiniwalat naman ni Catriona sa isang panayam noong Pebrero 2026 na hindi pa raw handa si Sam sa “stage of commitment” na naging dahilan para matuldukan ang kanilang relasyon.
Maki-Balita: 'Hindi pala siya ready:' Catriona Gray, ni-reveal dahilan ng hiwalayan nila ni Sam Milby