May 26, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ashley Ortega, nadulas; binuking relasyon nina Mark Alcala at Kathryn Bernardo?

Ashley Ortega, nadulas; binuking relasyon nina Mark Alcala at Kathryn Bernardo?
Photo Courtesy: Ashley Ortega (FB), notyourelena (X) via Fashion Pulis

Hiningan ng reaksiyon si Kapuso Sparkle artist Ashley Ortega sa kumakalat na intriga tungkol sa relasyon ng ex-boyfriend niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Mayo 25, sinabi ni Ashley na napa-wow umano siya nang makarating sa kaniya ang tsika tungkol sa dalawa.

“Si Kathryn kasi I idolized her as an actress,” saad ni Ashley. “So, parang ‘Oh, wow. Ang swerte naman ni Mark, nakakuha siya ng Kathryn Bernardo.’ But again, I’m happy for both of them.” 

“It’s been years na rin, and finally nakahanap siya ng mabuting decent girl. So I am happy for both of them,” dugtong pa niya.

Matatandaang Marso 2023 nang kumpirmahin ni Ashley ang hiwalayan nila ni Mark. Ayon sa kaniya, maayos naman daw silang nag-usap at parehong ginusto na wakasan na ang kanilang relasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Sey mo Chiz? Heart Evangelista, John Prats naispatang magkasama

Kaugnay na Balita: Ashley Ortega sa breakup nila ni Mark Alcala: 'Ayaw namin ipilit sa isa't isa if we know that it won't work'

Samantala, makalipas ang mahigit isang taon, naiulat sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang tungkol sa umano’y panliligaw ni Mark kay Kathryn. 

Maki-Balita: Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo? 

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa rin silang inilalabas na pahayag tungkol sa real score nilang dalawa kahit ilang beses na silang namamataang magkasama.

Maki-Balita: Kathryn, Mayor Mark namataan na naman sa airport?