May 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Barbie Imperial, pumalag; Sarah Lahbati, lodi raw niya at pilit na ginagaya?

Barbie Imperial, pumalag; Sarah Lahbati, lodi raw niya at pilit na ginagaya?
Photo courtesy: Barbie Imperial, Sarah Lahbati (FB/IG)

Inalmahan ng "Blood vs Duty" star na si Barbie Imperial ang mga netizen na nagpaparatang sa kaniya na kesyo "idol" at ginagaya raw niya ang mga post ni Sarah Lahbati, ang estranged wife ng kasalukuyan niyang partner na si Richard Gutierrez.

Nag-post kasi si Sarah ng larawan niya sa harapan ng isang brand new luxury car na talaga namang pinusuan ng mga netizen, dahil bagay na bagay raw sa kaniya.

Kasunod nito, nag-post din si Barbie ng larawan niya kung saan makikita ang isang brand new white car, na may caption na "big toy for a small girl."

Sa comment section, pinaratangan si Barbie na ginagaya at tinatapatan daw niya ang pagfe-flex ng estranged wife ng kaniyang boyfriend.

"Hahahaha tinatapatan Ang luxurious style ni Sarah"

Tsika at Intriga

'Martial law ba tayo? Kuda ni Marc Logan sa apelang proteksyunan It's Showtime hosts, usap-usapan

"Gaya gaya. nag flex lang si Sarah nag flex kna din."

"Sabi nanga ba gaya gaya talaga to"

"Marami na naman tataas ang dugo sau idol"

"Sus nag-flex lang yung isa eh hahaha."

Pero agad din namang pinalagan ni Barbie ang mga pang-ookray sa kaniya ng netizen, at nilinaw na wala siyang ginagaya.

Nilinaw ni Barbie na ito raw ay paid endorsement o car sponsorship.

"I was paid to post this for Ridemax. I had my Lc250 last year pa. This was shot last month pa and I was told to post this pic this week. I think I'm allowed naman to post my car sponsorships.. wag issue," saad niya.

Kamakailan lamang, kinakiligan ng mga netizen ang sorpresang flower arrangement ni Richard kay Barbie.

Sa Instagram story ni Barbie, makikita ang isang silid na puno ng pink at pastel-colored flowers, kandila, at lobo, habang may simpleng caption itong “Thank you.”

Makikita rin sa mga larawan ang likod ni Chard at maging si Barbie na nakaupo pa sa sahig.

Dahil dito, agad na napa-isip ang netizens kung proposal na nga ba ang susunod na kabanata sa relasyon ng dalawa.

Marami ang kinilig at nagsabing tila “engagement setup” umano ang engrandeng surpresa ni Richard, lalo na’t kitang-kita ang effort at pagiging romantiko nito.

Matatandaang noong Enero 2026 ay kinumpirma nina Richard at Barbie ang kanilang relasyon matapos ang matagal na espekulasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi nila itinatago ang kanilang relasyon kundi pinili lamang nilang maging pribado ito.