May 24, 2026

Home BALITA

Pilipinas, kabilang sa mga bansa sa Southeast Asia na nakakaranas ng 'extreme rainfall!

Pilipinas, kabilang sa mga bansa sa Southeast Asia na nakakaranas ng 'extreme rainfall!
Photo courtesy: MB File Photo

Mas mataas na panganib ng matinding pag-ulan ang kinahaharap ngayon ng Pilipinas at iba pang bansa sa Southeast Asia, ayon sa isang bagong pag-aaral na nagsuri sa pagbabago ng extreme rainfall mula 1981 hanggang 2024 gamit ang malalaking climate model ensembles.

Sa pag-aaral na pinamagatang “Unseen but Increasing: Recent Changes in Risk of Extreme Precipitation over Southern Africa and Southeast Asia,” ginamit ng mga mananaliksik ang tinatawag na UNSEEN o UNprecedented Simulated Extreme ENsemble approach upang suriin ang matitinding pag-ulan sa nakalipas na apat na dekada at tukuyin ang mga lugar na may tumataas na posibilidad na makaranas ng record-breaking rainfall.

Ayon sa pag-aaral, tumaas na umano ang panganib ng extreme rainfall simula pa noong 1981 sa panahon ng tag-ulan sa Southeast Asia at Southern Africa.

“We find that extreme rainfall risk has already increased since 1981 during the rainy season in both regions, including a doubling of risk in some months for many major population centers such as Phnom Penh, Vientiane, Bangkok, Hanoi, Maseru, Johannesburg, Lilongwe, and Lusaka,” ayon sa pag-aaral.

Idinagdag pa ng mga mananaliksik na sa Southeast Asia, karamihan sa mga lugar ay nakararanas na ng pagtaas ng panganib ng matinding arawang pag-ulan.

National

'See you soon again Tatay Digong! Walang iwanan!'—Harry Roque

“For most months in almost all locations, there is an increasing risk of extreme daily rainfall,” saad sa pag-aaral.

Partikular na tinukoy ang southern Philippines kung saan pinakamalakas umano ang pagtaas ng panganib mula Hunyo hanggang Nobyembre, habang sa northern Philippines naman ay mula Nobyembre hanggang Mayo.

Ayon pa sa pag-aaral, sa gitnang bahagi ng bansa ay nakitaan ng pagtaas ng panganib ng extreme weather lalo na mula Agosto hanggang Oktubre, kasabay ng kasagsagan ng cyclone season sa bansa.

“In the central part of the Philippines, the model fails to show fidelity to observations in the dry months of January to May, but it shows increasing risk of extreme weather in the wetter months, especially in August to October. July to October is the peak of the cyclone season, with the strongest increases in risk in the southern part of the domain during that season,” ayon sa pag-aaral.

Nabatid din na ang dating tinatayang isang beses kada 100 taon na matinding pag-ulan sa Metro Manila ay maaari na ngayong mangyari kada 77 taon na lamang. Tinatayang nasa 14 milyong katao ang naninirahan sa National Capital Region (NCR).

Ipinakita rin sa projection ng pag-aaral na magpapatuloy ang pagtaas ng panganib ng extreme rainfall sa susunod na 20 taon batay sa CMIP6 ensemble, isang average ng climate projections mula sa iba’t ibang global models.

Gayunman, sinabi ng mga mananaliksik na mas mataas na umano ngayon ang ilang pagtataya ng UNSEEN kumpara sa ilang future climate projections para sa Pilipinas, northern Mozambique, at northern Madagascar.

Tinukoy rin ng pag-aaral ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang maituturing na “sitting ducks” o mga lugar na may mataas na panganib ng matinding pag-ulan kahit wala pang kamakailang record-breaking events.