May 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pasaring ni Enchong: 'Nakakahiya naman sa sambayanang Pilipino, may nangamusta na ba satin?

Pasaring ni Enchong: 'Nakakahiya naman sa sambayanang Pilipino, may nangamusta na ba satin?
Photo courtesy: Enchong Dee (IG)

Nagbigay ng makahulugang pahayag ang aktor at TV host na si Enchong Dee matapos niyang magbahagi ng tila patama sa umano’y “political grandstanding” sa bansa.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Dee ang quote ng American politician na si Steve Bullock na nagsasabing, “Political grandstanding might make for great soundbites for the evening news, but it will do nothing to help the people.”

Nilagyan niya ito ng caption na: “Nakakahiya naman sa sambayanang Pilipino… Kamusta na kaya kalagayan ng kababayan natin? May nangamusta na ba satin?”

Marami naman sa netizens ang nag-ugnay sa naturang pahayag sa kamakailang emosyonal na pag-iyak ni Sen. Pia Cayetano habang nasa plenary session ng Senado.

Matatandaang naging emosyonal si Cayetano kaugnay ng napaulat na tensyon at insidente sa loob ng Senado noong Mayo 13, kung saan inilahad niya ang kaniyang naramdamang takot at pagkadismaya dahil umano sa kakulangan ng pangungumusta mula sa ilang kasamahan, lalo na sa mga miyembro ng minority bloc, na nauna nang umuwi nang mga sandaling iyon.

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith Da Silva nagkakamabutihan nga ba?

Nag-ugat ang reaksiyon ni Cayetano sa naging privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros, na pangangalampag sa liderato ng Senado na kumilos at huwag balewalain ang mga nagapa na "parang walang nangyari."

Hindi man tahasang pinangalanan ni Enchong kung sino ang kaniyang pinatatamaan, naging sentro ng diskusyon sa social media ang kaniyang post, lalo na’t naka-tag pa rito ang Senado ng Pilipinas.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Happy to hear you are also concerned with our government Enchong. Use your voice bilang Artista kelangan yan sa mga younger generation to vote wisely this coming election."

"We missed My idol crush of kapamilya network si Mr enchong dee mahal ko parin sila love you."

"Louder Prof. Enchong!"

"Angas talaga!"