May 23, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Fyang, 'di pinepeke ang nararamdaman kay JM

Fyang, 'di pinepeke ang nararamdaman kay JM
Photo Courtesy: Fyang Smith (IG)

Hindi umano pinepeke ni Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner Fyang Smith ang emosyong nararamdaman niya para sa katambal at dating kapuwa housemate na si JM Ibarra.

Sa ginanap na Star Magic Spotlight Presscon kamakailan, sinabi ni Fyang na mahirap umanong itago ang totoo niyang nararamdaman kay JM, lalo pa sa gaya niyang madali lang namang pakiligin.

“Actually, sinasabi ko rin ‘to sa maraming interview ko na mahirap pekein ‘yon. As in,” saad ni Fyang.

“Kung pinepeke ko ‘yong sarili ko na kikiligin ako sa kaniya,” pagpapatuloy niya, “kung pinepeke ko ‘yong sarili ko na nasasaktan ako sa kaniya, or kahit anong emosyon na ipakita ko sa movie, ang hirap pekein n’on.”

Dagdag pa ng PBB Gen 11 Big Winner, “Hindi naman ako mahirap kiligin, e. Mabilis talaga akong kiligin. Super talaga. Kung nakikita nila akong kinikilig sa movie, kinikilig din talaga ako.”

Relasyon at Hiwalayan

Barbie, flinex bonggang pa-flowers sa kaniya ni Richard; proposal na raw ba?

Pero minsan, pag-amin ni Fyang, kapag pagod umano siya ay mas pinipili na lang niyang hindi lumabas sa bahay at magpahinga. 

Sa ganitong paraan, napapanatili raw niya ang pagiging totoo sa sarili at ang boundary niya bilang public figure.