May 23, 2026

Home SHOWBIZ

Chelsea Ylore, kinabahan pero nasarapan sa unang salang sa VMX

Chelsea Ylore, kinabahan pero nasarapan sa unang salang sa VMX
Photo Courtesy: Chelsea Ylore (FB)

Ibinahagi ni aspiring sexy star Chelsea Ylore ang karanasan niya sa pagbuo ng unang VMX movie.

Matatandaang si Chelsea ang aspiring sexy star na pumutok ang pangalan matapos niyang isiwalat na may alkalde at senador umanong nag-alok sa kaniya ng indecent proposal.

Maki-Balita: ‘Tip pa lang paldo na!’ Senador, mayor niyaya VMX actress ng bembangan

Sa latest episode ng “The Men’s Room” noong Biyernes, Mayo 22, sinabi niyang kinabahan daw talaga siya nang gawin ang senswal na eksena sa pelikula.

Aniya, “First movie talagang kakabahan ka, e. Pero no'ng nando'n na po ako ang sarap pala. Kasi no'ng una, kinabahan ako. First time ko maghubad, e.”

Tsika at Intriga

'It's hard not to feel affected:’ Nadine Lustre, bumoses na sa mga kaganapan sa bansa

“Ta's no'ng nando'n na ako sa scene na 'yon, siyempre 'yong ka-partner ko, pogi naman nito. So sabi ko, 'Ang sarap. Parang totoo,’" dugtong pa ni Chelsea. 

Ang pelikulang tinutukoy ni Chelsea ay ang “Maninilip” ni Rodante Y. Pajemna, Jr. kung saan nakasama rin niya rito sina Ashley Lopez, Rinoa Halili, Aerol Carmelo.

Nakasentro ang kuwento nito sa binatang photographer na idinodokumento ang pakikipagtalik ng kapit-bahay nito.