Walang masamang tinapay si Negros Occidental 3rd District Rep. Javi Benitez para sa ex-girlfriend niyang si Sue Ramirez sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Huwebes, Mayo 21, nausisa raw ng mga entertainment press kay Javi si Sue na ngayon ay may bago nang pag-ibig sa katauhan ni Dominic Roque.
Aniya, "I'm very happy for her. I'm very happy for her. Wala akong masabing masama tungkol sa kaniya.”
“And I still believe that she is one of the most accomplished and yet still underrated actresses of her time,” dugtong pa ni Javi.
Bukod dito, tiniyak din ng kongresista na walang masamang isyu sa pagitan nila ni Sue bago sila tuluyang nagkahiwalay.
"Nag-usap kami and we both decided that we go on our separate ways," saad ni Javi.
Matatandaang Nobyembre 2024 nang kumpirmahin ni Javi na tinuldukan na nila ni Sue ang limang taon nilang relasyon, na aniya’y longest relationship niya.
Maki-Balita: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez
Samantala, naniniwala naman ang kongresista na si Dominic na ang makakatuluyan ng ex-girlfriend niya.
Ayon sa kaniya, “Feeling ko, sila na magiging endgame. ‘Yan ang prediction ko. Well, both of them want to get married and have kids.”
Kamakailan lang ay inihayag ni Sue sa isang press conference sa Quezon City na bukas daw siyang magkaroon sila ng anak ni Dominic.