Tila namamag-asa pa rin si OPM singer-icon Rico Blanco na maihaharap niya ang babaeng minamahal sa altar.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Rico na may isang panahon daw na pinaniwala niya ang sarili na tatanda siya nang mag-isa habambuhay.
“There was a time when I resigned, parang I knew that being single was the best thing set up for me. But that was a long time ago, then I had a relationship after that,” saad ni Rico.
Dagdag pa niya. “Right now, I’m single, but I’m open to not being single.”
Kaya naman sa ngayon, isa pa ring posibilidad sa kaniya ang pagkakaroon ng tamang tao.
Aniya, “[It’s] still a possibility for me. But I suppose [it] has to be with the right person because I’m at the age where I don’t have to get married.
“I understand, for some people, they have to get married, [but] right now I don’t have to get married. So if I will get married, it has to be the right person,” dugtong pa ni Rico.
Sa kabila nito, hindi naman daw siya pine-pressure ng kaniyang mga kapamilya na lumagay sa tahimik. Ayon kay Rico, nauunawaan daw ng mga ito ang ipupuhunang emosyon sa pakikipagrelasyon.
Matatandaang si Kapamilya actress Maris Racal ang huling babaeng nakarelasyon ni Rico. Nagkahiwalay silang dalawa noong Hulyo 2024.
Maki-Balita: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!