May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mariel, nahulog at na-in love kay Robin dahil sa pagtulong sa iba kahit 'bugbog na bugbog' na

Mariel, nahulog at na-in love kay Robin dahil sa pagtulong sa iba kahit 'bugbog na bugbog' na
Photo courtesy: Sen. Imee Marcos (FB)/MB File Photo

Nagbigay ng emosyonal na pahayag ang television host na si Mariel Rodriguez-Padilla tungkol sa kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla at sa umano’y hirap na dinaranas nito sa mundo ng politika.

Sa naging pag-uusap nila ni Sen. Imee Marcos sa podcast ng huli, ibinahagi ni Mariel na naniniwala siyang tunay ang hangarin ni Sen. Robin na makatulong sa kapwa.

“The sincerity to help is really there,” ani Mariel.

Sinang-ayunan naman ito ni Senadora Marcos at sinabing mabigat at mabagsik ang mundo ng politika dahil sa walang tigil na pambabatikos na tinatanggap ng mga pulitiko.

“Pero ang lupit ng pulitika. Babakbakan ka all the time. Sasabihan ka ng kung ano-ano,” saad ni Marcos.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Dito ay naging emosyonal si Mariel at sinabing “bugbog na bugbog na” umano ang senador dahil sa mga natatanggap nitong puna at batikos.

Ayon pa kay Mariel, isa sa mga dahilan kung bakit niya minahal si Robin ay dahil nakita niya ang pagiging totoo nito sa hangaring makatulong at makagawa ng pagbabago para sa ibang tao.

“In his heart, yung gusto niya talaga to help is so genuine. That’s the reason why I fell in love with Robin. Nakita ko talaga na gusto niyang makatulong at make a difference,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Mariel, handang isakripisyo ni Robin ang sarili nitong kapakanan para lamang maipaglaban at mapakinggan ang mga grupong nangangailangan ng boses sa pamahalaan.

“Kahit na mapapasama pa siya, basta may grupo siya na kailangang mapakinggan, gagawin niya,” aniya.

Sa nabanggit na podcast, ibinahagi rin ni Mariel na naniniwala siyang hindi pa tapos ang tungkulin ng kaniyang asawa sa politika.