May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Winwyn Marquez, dismayado sa mga gulo sa politika; panawagan matalinong pagboto

Winwyn Marquez, dismayado sa mga gulo sa politika; panawagan matalinong pagboto
Photo courtesy: Winwyn Marquez, AP Photo

Diretsahang ibinoses ni Kapuso actress at Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ang kaniyang pagkadismaya sa mga kamakailang nagaganap na kaguluhan sa politika ng bansa. 

“Sobrang mahal ko ang Pilipinas kaya masakit makita na unti-unti itong sinisira ng mga taong pansarili lang ang iniisip,” patutsada ni Winwyn sa kaniyang Instagram story noong Biyernes, Mayo 15. 

Aniya pa, “Matagal nang may mali at sa dami ng nangyayari sa atin dapat alam na natin yon.” 

Kaya panawagan ng aktres at beauty queen sa publiko, gamitin ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag at maging matalino sa pagboto ng mga magiging lider ng bansa at mga komunidad dito. 

“A few more days until voter registration ends,” ani Winwyn. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Use your voice. Use your vote. Make a difference,” dagdag pa niya. 

Samantala, inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Lunes, Mayo 18 na ang huling araw ng voter’s registration para sa Barangay Sangguniang Kabataan Election (BSKE), na nakatakdang idaos sa Nobyembre. 

MAKI-BALITA: ‘Huwag magpahuli!’ Huling araw ng Voter’s Registration, sa Lunes na!

Sa naunang anunsyo ng ahensya noong Oktubre 2025, narito ang listahan ng government ID na maaaring dalhin upang makapagparehistro: 

- PhilSys National ID 

- Postal ID 

- PWD ID 

- Student’s ID o Library Card

- Senior Citizen’s ID 

- Driver’s License o Student’s Permit

- NBI Clearance

- Philippine Passport

- SSS, GSIS, PRC, IBP, UMID ID 

- NCIP Certification of Confirmation

KAUGNAY NA BALITA: ‘Kabataan, tayo na!’ Voter’s registration, aarangkada na simula Oktubre 20!