Pinagpiyestahan ng ilang netizens ang social media post ni GMA trivia master Kuya Kim Atienza dahil sa umano’y pasimpleng banat nito kay dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV.
Sa Thread post ni Kuya Kim kamakailan, sinabi niyang hindi raw niya gusto ang politika. Ito ay matapos ang nangyaring kaguluhan sa Senado noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.
“You may be pink, yellow or DDS, lets keep threads the way it was, apolitical. Respect for everyone regardless of political stance. Thanks kids. Love you all,” saad niya.
Ngunit may ilang inungkat ang sagot niya sa isang netizen na nagtanong sa Thread kung ano raw ba ang tawag sa galit na kalbo.
Sagot ni Kuya Kim, “Trillanes.”
“Ay sorry po,” dugtong pa niya. “Medyo mataas na din naman hairline ni sen trillanes.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang komento ni Kuya Kim. Narito ang ilan sa kanilang hanash:
"hahaahahahahaaa kulit mo @kuyakim_atienza "
"DDS po ba kayo?"
"dds po yan si kuya kim"
"Tas apolitical daw sya. Ano bang nakakahiya sa pagiging DDS?"
"Kuyaaaaa Kiiiiiimmmmm!! HAHAHAHAHA apir tayo dyan. HAHAHAHA"
"Kuya kim, hindi ka po bias ?"
"kala ko ba apolitical ka kuya kim? ksksksksks"
Samantala, may isa ring netizen na kinomento ang screenshot kung saan makikitang nasa following list ng Instagram account ni Kuya Kim si Vice President Sara Duterte.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Kuya Kim hinggil sa isyu.