May 22, 2026

Home BALITA Metro

Nawawalang bata noon pang 2023, ngayon lang pinanawagan; umani ng reaksiyon

Nawawalang bata noon pang 2023, ngayon lang pinanawagan; umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB)

Ipinanawagan ng Manila local government unit (LGU) sa publiko ang paghahanap sa isang menor de edad higit dalawang taon nang una itong mawala. 

Batay sa Facebook post ng Manila LGU noong Linggo, Mayo 10, ang menor de edad na kinilalang si Andrei Mama ay iniulat na nawawala noong pang Hulyo 24, 2023, sa Quiapo, Maynila. 

Kaya sa kasalukuyan, inuudyok ng lungsod ang publiko na agad tumawag sa numerong 0955-2554186 sakaling makita si Mama o magkaroon ng anumang impormasyon tungkol sa kaniya. 

“Ang inyong pakikiisa at pakikibahagi ay malaking tulong upang matagpuan si Andrei,” ani Manila LGU.

Ang nasabing post ay umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens, karamihan ay nagtatanong bakit sa higit dalawang taong pagkawala ni Mama, ay ngayon lang ito naisapubliko. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

“2023 pa nawawala? late naba nagreport o late lang nabroadcast?”

“bket Ngayon na report ung bata? dapat nung 2023 pa yan na report ung bata”

“Ang tagal na”

“2026 na hello?”

“Sinubukan kung unawain pero nangingibabaw sakin ang galit. Di ko magets kung bakit inabot ng 3 years bago inireport. Hindi naman yan aso o bagay na nawawala.”

“ilang taon na yan nung nawala. at ngayon ilan taon na sya.”

Ang ilan naman ay nananawagan ng imbestigasyon kung bakit ngayong taon lang naisapubliko ang nasabing pagkawala. 

“Imbestigasyon bakit 2023 pa nawawala at ngayon lang na public?”

Habang ang ilan ay nakikiisa sa panawagan upang mahanap si Mama. 

“please paki tingnan po ung post na ito. bka isa sa inyo ay nakita or nkasalubong nyo.”

“malaki na sya now, baka may nakapansin na kamukha nya, pls contact nyo sila.”