Ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga 4-wheel drivers na ipinagbabawal nila ang “walk-in” sa pagkuha ng cash relief assistance payout na ipamamahagi simula Lunes, Mayo 11.
Batay sa anunsyo ng DSWD noong Linggo, Mayo 10, ang nasabing payout ay para sa drivers, kasama ang ride hailing apps na Grab at Move It, na hindi pa nakakakuha ng kanilang cash relief assistance.
Bukod sa pagbabawal ng walk-in, narito pa ang mga paalalang ibinaba ng DSWD:
1. Pumunta sa nakatalagang oras. “No schedule, no claming.”
2. Dalhin ang mga sumusunod na requirements:
Original Driver’s License at isang photocopy nitong hindi lukot.
Opisyal na mensahe mula sa kanilang Driver App o SMS.
3. Para sa mga parte ng Batch 2 at wala pang nakatakdang schedule ay venue, hintayin lamang ang update sa claiming.
4. Ang special claiming ay para lamang sa Move It drivers sa National Capital Region (NCR).
5. Kung hindi makita ang pangalan sa tracking, maaaring nakapag-claim na ang driver ng cash relief assistance o kaya nama’y nakalagay ang pangalan sa “non-NCR cities.”
Kaya maiging tingnan ang listahang ilalabas ng iba pang Transportation Network Company (TNC) sa mga susunod na araw.