Patuloy na humihina ang bagyong Caloy, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Mayo 11.
Sa tropical cyclone bulletin ng PAGASA kaninang 11:00 AM, huling namataan ang tropical depression sa layong 475 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Inaasahang mas hihina pa ito bilang low pressure area (LPA) sa susunod na mga oras.