May 14, 2026

Home SHOWBIZ

Maria Ozawa, ipinaliwanag bakit pixelated porn ng Japan

Maria Ozawa, ipinaliwanag bakit pixelated porn ng Japan
Photo Courtesy: Maria Ozawa (FB)

Inilatag ng dating adult film actress na si Maria Ozawa ang dahilan sa likod ng paggamit ng pixelation ng Japan sa mga ginagawa nilang porn.

Sa isang episode ng “The Men’s Room” kamakailan kasama sina Janno Gibbs at Stanley Chi, sinabi ni Maria na ang pagiging pixelated umano ng porn sa Japan ay bahagi ng kanilang kultura.

Aniya, “I think it’s just a culture. That’s how they market. It’s like a whole package. You can see almost everything but that part.”

“I think it’s just like, I don’t know, it makes [it more mysterious]. And then of course, it’s about fantasy. [...] We are selling those to mostly 90% male market,” dugtong pa ni Maria.

Kaya naman kung makita umano ng isang lalaki na mas guwapo o matipuno ang lalaking nasa porn, malaki ang posibilidad na hindi ito bumenta sa kaniya.

Tsika at Intriga

Kuya Kim Atienza, ipinanawagang huwag gawing politikal ang ‘Threads’

“They have to feel good about themselves and we have to take care of their [fantasy]: ‘If he can do that, I can do that.’ You have to give them a dream,” saad ng dating adult film actress.

Si Maria, o kilala rin sa stage name niyang “Miyabi,” ay isang former adult film actress na may dugong “Japanese” at “Canadian,” na isinilang noong Enero 8, 1986 sa Hokkaido, Japan.

Nagsimula ang karera niya sa adult film industry mula sa 2005 hanggang 2010. Isa siya sa mga top adult video star sa Japan.

Minsan na siyang naging bahagi ng pelikulang “Nilalang” noong 2015 at sa historical drama series ng GMA Network na “Pulang Araw” noong 2024.

Kaugnay na Balita: Maria Ozawa, binenta suot na panty kay Boss Toyo; pinasinghot pa sa 'ilong ranger'