Ibinahagi ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie ang pagkakakilala niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith.
Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Mayo 6, sinabi niyang bagama’t makulit si Fyang, kaya raw nitong gumanap.
“Naging roommate ko siya, e. Makulit siya. Lagi niya akong kinukulit. Ang tawag niya sa akin, 'Momma. Hey, momma!'” lahad ni Dina.
Dagdag pa ng aktres, "Kaya ako natuwa sa kaniya kasi kahit na makulit siya, she can deliver. [...] She can.”
Bukod dito, ikinuwento rin ni Dina ang tungkol sa lumutang na larawan nila ni Fyang na magkayakap noong birthday niya.
“Aniya, "Ginulat niya ako noon. Birthday ko. Kasi nakaalis na si Ivana [Alawi] noon, e. Parang nagbakasyon yata siya."
"Walang taping si Fyang. Nagulat ako. Natutulog ako. Gumising siya na naka-hoodie. 'Momma,' [sabi niya.] Ta's niyakap niya ako," dugtong pa ni Dina.
Kapuwa gumanap sina Dina at Fyang sa romantic drama series na “Love Is Never Gone” ng ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.
Kasama nila sa serye sina Joshua Garcia, Ivana Alawi, Ara Mina, Jameson Blake, Jane Oineza, Michael De Mesa, Epy Quizon, at marami pang iba.
Magsisimula itong umere sa online streaming platform na Prime Video sa darating na Mayo 8.