May 22, 2026

Home BALITA

10 lotto winners, paghahatian ang ₱76M jackpot prize ng Ultra Lotto

10 lotto winners, paghahatian ang ₱76M jackpot prize ng Ultra Lotto
(unsplash)

Hindi lang isa, dalawa, o tatlo kundi 10 ang maghahati-hati sa mahigit ₱76 milyong premyo ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Martes ng gabi, Mayo 5!

Sa official announcement ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) nitong Miyerkules, Mayo 6, ibinahagi nilang 10 ang nanalo sa Ultra Lotto.

Nahulaan ng lucky winners ang winning combination na 01-58-25-43-26-16, na may kalakip na ₱76,305,973.15. 

Ang 10 winner ay makatatanggap ng tig-₱7,630,597.31.

Narito naman ang listahan ng winning outlets:
1. Pitogo, Casiano, Tuguegarao City, Cagayan
2. Teruel, Erlyn, Dasmarinas City, Cavite
3. Magalona, Margarita, Guiuan, Eastern Samar
4. Lucky Circle Corporation, Cebu City, Cebu
5. Yulo, Matt, Tanza, Cavite
6. Dela Rosa, Remaldo, Concepcion, Tarlac
7. Lazaro, Grace, Marikina City
8. Reyes, Milagros, San Carlos City, Negros Occidental
9. Javeluna, May Karen, Makati City
10. Fernandez, Annabelle, Ormoc City, Leyte

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samantala, bukod sa Ultra Lotto, napanalunan din ng dalawang lone bettor ang jackpot prizes ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 na parehong binola rin nitong May 5.

Sa Super Lotto, nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na: 44-03-08-31-06-49, na may kaakibat na ₱40,607,323.57 premyo.

Nabili ang winning ticket sa Ong, Melvin, Mabalacat City, Pampanga. 

Habang ₱10,000,000.00 naman ang napanalunan ng isa pang lone bettor nang mahulaan ang winning numbers na 31-28-19-03-02-04.

Nabili naman niya ang winning ticket sa Ledesma, Martin Rafael, Calamba City, Laguna. 

Kung nais mo rin maging milyonaryo, narito ang schedule ng mga nabanggit na Lotto games:

ULTRA LOTTO 6/58
Martes, Biyernes, at Linggo

SUPER LOTTO 6/49
Martes, Huwebes, at Linggo

LOTTO 6/42
Martes, Huwebes, at Sabado