May 08, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

EA Guzman, gusto nang anakan si Shaira Diaz

EA Guzman, gusto nang anakan si Shaira Diaz
Photo Courtesy: EA Guzman (FB)

Tila handa na ang celebrity couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz sa kanilang first baby.

Sa latest episode ng “Unang Hirit” nitong Lunes, Mayo 4, sinabi ni EA na ang hiling daw niya para sa ika-31 kaarawan ng misis ay magkaroon na sila ng anak.

“I wish na sana magka-baby na tayo soon," saad ni EA.

Sabi naman ni Shaira, "Ready na ba? Parang ready na!"

“Ngayong taon, i-manifest natin,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Daniel Padilla may TikTok na, pero fina-follow lang si Kaila Estrada!

Matatandaang ikinasal sina EA at Shaira noong Agosto 2025. Ngunit bago pa man ito ay lampas isang dekada na silang magkarelasyon.  

Maki-Balita: Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!

Sa loob ng 12 taong relasyon, inamin ni EA na kahit hirap siya ay wala pang nangyayari sa kanilang dalawa ni Shaira.

Kaya naman matapos ang kanilang pag-iisang-dibdib, hindi naiwasang mausisa kung naging masaya ba ang unang gabi nila bilang newly-wed couple.

Maki-Balita: EA naurirat kung naging masaya sa unang gabi nila ni Shaira