Isang direkta at puno ng damdaming kasagutan ang binitawan ni newly-crowned Miss Universe Philippines (MUPH) 2026 Bea Millan-Windorski sa ginanap na coronation night ng MUPH noong Sabado, Mayo 2.
Sa isinagawang coronation night, tinanong si Windorski kung bakit “worth it” pa ring irepresenta ang Pilipinas sa pandaigdigang entablado, sa gitna ng “frustration” ng mga Pinoy sa sarili nitong bansa.
“The Philippines is something and a place that I’ve been in love with my whole life. Growing up in a predominantly non-diverse part of the United States, I was identified as Filipina first and foremost. I often had to point where the Philippines was on a map to my peers, and I always felt a sense of belonging and home,” saad ni Windorski.
Aniya, naniniwala siyang walang limitasyon ang kakayahan ng mga Pilipino.
“I chose to pack my life into balikbayan boxes and suitcases because I believe in the limitless potential of the Filipino people, and the fact that we need to create local opportunities here so that people don’t have to go abroad and be separated from their families in order to survive and thrive,” pagpapatuloy niya.
Kung manalo man daw bilang susunod na pambato ng Pilipinas, nangako siyang magiging “public servant siya para sa lahat.
“If I were given the title of Miss Universe Philippines, I promise to be a public servant for all,” pagtatapos ni Windorski.
Nirepresenta ni Windorski sa MUPH 2026 ang lalawigan ng La Union, at siya ang magiging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2026 sa bansang Puerto Rico.
Susubukan niyang sungkitin ang ikalimang korona ng bansa sa naturang kompetisyon.