May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, nanawagan ng taas-sahod, ikulong mga kurakot sa national TV!

Vice Ganda, nanawagan ng taas-sahod, ikulong mga kurakot sa national TV!
Screenshot: ABS-CBN IT'S SHOWTIME/YOUTUBE

Kahit live sa national television, tahasan ang pananawagan ng It's Showtime host na si Vice Ganda na itaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino at ikulong ang mga kurakot ngayong Labor Day, Biyernes, Mayo 1.

Sa opening ng "Laro-Laro Pick" segment ng It's Showtime, mapapanood ang panawagan ni Vice Ganda.

"Dapat itaas ang sweldo ng mga manggagawa!" saad ng Unkabogable Star.

Panawagan pa niya na sinegundahan ng mga audience, "Suweldo, itaas! Suweldo, itaas! Suweldo, itaas!!"

Sabay sabi ring, "Ikulong na yan, mga kurakot! Ikulong na yan, mga kurakot! Ikulong na yan, mga kurakot!"

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Tataas talaga mga suweldo n'yo kung hindi kinukurakot..." dagdag pa niya.

Ngayong Labor Day, nagkilos-protesta ang ilang grupo ng mga manggagawa kung saan ipanawagan ang pagtataas ng sahod, pagpapababa ng mga bilihin, at mas pinaigting na batas sa trabaho sa kasagsagan ng kinahaharap na inflation at krisis sa ekonomiya ng bansa.