Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes, Abril 30, na wala raw munang expanded number coding scheme sa darating na Biyernes, Mayo 1.
Sa isang abiso na ibinahagi ng MMDA sa kanilang official at verified Facebook page, kasabay raw ito ng paggunita sa “Labor Day.”
“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, Mayo 1, 2026, isang regular holiday, bilang paggunita sa Araw ng Paggawa,” saad ng MMDA.
Anila, “Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.”
Pinaalalahanan din nila ang mga komyuter at motorista na mag-ingat at planuhin ang kanilang pagbiyahe.
“Planuhing mabuti ang inyong biyahe upang maiwasan ang anumang aberya. Mag-ingat sa inyong pagmamaneho,” anang ahensya.
“Happy long weekend!” pagtatapos ng MMDA.
Photo courtesy: MMDA/FB