June 13, 2026

Home BALITA National

'BJ' epektibo sa katawan ngayong tag-init—DOH

'BJ' epektibo sa katawan ngayong tag-init—DOH
Photo courtesy: Unsplash

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na manatiling hydrated sa panahon ng tag-init sa pamamagitan ng hindi lang pag-inom ng tubig, kundi maging ng buko juice.

Sa inilabas na video ng DOH nitong Miyerkules, Abril 29, para sa mga taong laging pinagpapawisan, nakabilad sa araw, tagaktak ang pawis sa trabaho o biyahe, o kaya naman ay kahit sa simpleng paglalakad lang, hindi rin daw pawis ang nawawala sa katawan kundi maging ang electrolytes.

Paliwanag ng DOH, ang electrolytes ay mga mineral sa katawan kagaya ng sodium, potassium, at iba pa, na tumutulong sa pagkakaroon ng tamang hydration, maayos na galaw ng muscles, at paggana ng katawan.

Kagaya raw ng tubig, mahalaga rin daw ang pag-inom ng natural electrolytes kagaya ng buko juice.

Puwede rin daw alternatibo ang pag-inom ng tubig na may calamansi, lemon, o lime at lalagyan ng kaunting asin.

National

House Prosecution Panel, pabor kay Sen. Gatchalian bilang presiding officer sa impeachment!

Mainam din daw ang pagkain ng pakwan at saging.