May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ron Angeles, hiring ng kasambahay; dinagsa ng mga aplikante!

Ron Angeles, hiring ng kasambahay; dinagsa ng mga aplikante!
Photo courtesy: Ron Angeles (FB)

Nakakaloka ang mga "volunteer" na maging kasambahay ng aktor na si Ron Angeles matapos niyang mag-post sa social media na naghahanap siya nito, noong Biyernes, Abril 24.

Naging espesipiko si Ron sa pagbibigay ng "work tasks" ng nabanggit na kasambahay na hinahanap niya.

"LF KASAMBAHAY!! Marunong Magluto, Maglaba, Malinis sa bahay, Maingat sa gamit, Maalaga at hindi CHISMOSA. FREE ACCOM AND FOOD," mababasa sa anunsyo ni Ron.

Photo courtesy: Screenshot from Ron Angeles (FB)

Pahabol pa niya, "Wala kang ibang gagawin kung hindi alagaan ako at bantayan ang bahay."

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Drop your comments na lang."

"28-38 age range ! Probinsyana much better magaling sila sa bahay at ma diskarte," aniya pa.

Nabulabog naman ang mga bebot at beks sa paglalapag ng kanilang komento para mag-apply. kaniya-kaniyang paandar ang mga netizen para makuha ang atensyon ni "Boss Ron."

"Tabi na guys Ako na talaga to. Bumaba Nako para Sayo"

"Ako be kahit di mo na ako bayaran maalagaan lng kita."

"AKO NA PO ANG LAHAT WALANG TIRA"

"Magsitabi kayo, ako na po, kahit walang suweldo!"

"Hala ako na yata ito."

Maging ang kilalang social media personality na si Christian Antolin, nakigulo na rin.

"The search is over Ron Angeles, ako na to!" aniya.

Samantala, bandang gabi naman ay tila wala pang nahahanap o napipiling kasambahay si Ron mula sa mga "aplikante" niya, matapos niyang ibida ang pagluluto niya.

"Ako muna mag luto wala pang mahanap na taga luto eh Kaon ta!!" aniya.

Matatandaang nasangkot kamakailan sa eskandalo si Ron matapos kumalat ang isang sex video nila ng isang babae, na sinasabing palihim na kumuha ng video sa kanilang pagtatalik.

Kabilang si Ron sa male celebrities na umano'y naging biktima nito.

Makalipas ang ilang araw, naglabas ng pahayag si Ron at sinabing idaraan sa legal na hakbang ang eskandalo, lalo na ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat nito.