Nagbigay ng paglilinaw ang aktres na si Rica Peralejo kaugnay sa naunang pahayag niya sa pagtanggi ni Naga City Mayor Leni Robredo na tumakbo sa pambansang posisyon sa 2028 national elections.
Sa latest Facebook post ni Rica nitong Sabado, Abril 25, sinabi niyang itinuturing niya raw na habambuhay “The One That Got Away” si Leni.
“Just dropping by to say na Mam Leni is my forever TOTGA (cue music: Nanghihinayang) at may problema kayo sa reading comprehension if you read my post as one that is 1) putting her down and 2) I am for the other camps. Never,” saad ni Rica.
Aniya, habambuhay umano siyang malulungkot na hindi makita si Leni bilang Pangulo ng Pilipinas.
Ngunit magiging masaya rin umano si Rica na makita si Leni na magawa nito sa isang lugar kung saan pinahahalagahan at pinararangalan ng mga tamang tao ang mga kaya nitong gawin.
Ayon sa aktres, “I cannot stand seeing the disrespect for her and her family, hindi talaga worth and also because magwowork lang ang pamamaraan ng leader kung susunod ang mamayan.”
Kaya naman para kay Rica, wala umano kay Rica ang problema kundi nasa mayorya ng taumbayan mismo.
“And the first thing we need to change is reading and comprehension. Caption palang eh nahirapan na tayong basahin ng mabuti pano pa ba habang nagbabasa tayo ng mga mahahabang background at plataporma ng mga kandidato?” pahabol pa niya.
Matatandaang sa panayam ng isang radio local station noong Abril 21, sinabi ni Leni na sigurado na raw siya sa kaniyang dessiyon na hindi kumandidato sa 2028 elections—sa anomang puwesto sa pambansang lebel.