Dumaan sa isang pagsasanay ang TV host at GMA trivia master na si Kuya Kim Atienza para sa mental health program.
Sa Instagram story ni Kuya Kim noong Biyernes, Abril 24, ibinida niya ang natanggap na sertipiko sa inorganisang “Mental Health First Aid Workshop” ng DMR Psychological Services.
Sumentro ang naturang pagsasanay sa pagbibigay ng suporta para sa mga indibidwal na dumaranas ng mental health crisis.
Tumagal ito nang 8 oras at ginanap sa The West Wing Building sa Quezon City sa pangunguna ng psychologist na si Eric L. Dimar.
Kilala si Kuya Kim bilang isang mental health advocate. Sa katunayan, sinaklolohan niya ang isang netizen matapos nitong magbahagi ng isang nakakaalarmang post sa social media.
Sa Thread post ng netizen na may username na “heyshijey” noong Marso 5, mababasa na parang pasuko na siya sa buhay
“Mama, Papa, hindi ko na po kaya. Sorry po,” aniya.
Pero sabi ni Kuya Kim, “Watch Tiktoclock live next week as my guest? I’ll wait for you ok?”
Maki-Balita: ‘Di ko na po kaya!’ Kuya Kim, sumaklolo sa isang netizen
Matatandaang pumanaw ang anak ni Kuya Kim na si Emman Atienza dahil sa mental health issues.