May 22, 2026

Home BALITA

'Kumasta' Translation ng 'Kumusta' sa isang hagdanan sa Australia, dinogshow ng netizens!

'Kumasta' Translation ng 'Kumusta' sa isang hagdanan sa Australia, dinogshow ng netizens!
Photo courtesy: Contributed photo

Umani ng samu’t saring mga reaksiyon sa social media ang umano’y cultural staircase sa isang pampublikong paaralan sa Australia, matapos ang agaw-pansing pagkakasulat ng salitang “Kumusta” sa hagdanan.

Nakasulat kasi sa bawat baitang ang iba’t ibang salita kung paano bumati ang ilang mga bansa, subalit nangingibabaw naman ang pagkakabaybay sa salitang Kumusta para sa Pilipinas.

Sa nagkalat kasing larawan sa social media, mapapansin na “Kumasta” ang nakalagay sa nasabing baitang. Isang salitang balbal na karaniwang binabanggit sa paraan ng ilang hayop upang makipagtalik, kagaya na lamang ng aso.

Bunsod nito, kaniya-kaniyang entry naman ang naglabasan sa social media hinggil sa tila nakakatwang pamamaraan daw ng pagbati ng isang Pinoy.

“Ekis sa kumustahin, kastahin na lang.”

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

“From pagbati to pagbabati hahaha”

“Sa bagay, tagalog pa rin naman yung kumasta."

"Mga sir, bembang kasi talaga meaning niyam."

"In heat pa ba yung nag-paint niyan?"

"Mangangamusta na nga lang, nabembang pa!"

"Aso 'yanr?"

"Mga Pinoy mag-ingay!"

"So pano? Kumusta ka na ba?"

"Pag nagkita ang magkaibgan, nagkastahan?"

Samantala, nauna nang iniugnay ang viral na hagdanan na mula umano ito sa isang estasyon ng train sa Singapore. Subalit ilang ulat ang naglinaw na bahagi raw ito ng mural sa isang pampublikong eskwelahan sa Australia.

Wala pang komento ang nasabing eskwelahan hinggil sa nag-viral nilang mural.