April 26, 2026

Home BALITA

Korte Suprema pinagpatuloy oral arguments sa unprogrammed funds, budget insertions

Korte Suprema pinagpatuloy oral arguments sa unprogrammed funds, budget insertions
Photo Courtesy: via MB

Muling pinagulong ng Korte Suprema ang pagdinig sa oral argument para talakayin ang mga isyu kaugnay  sa isyu ng unprogrammed funds at budget insertions.

Sa interpellation ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, tinumbok niya ang umano’y significant portion ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).

Sumailalim sa pagtatanong si Solicitor General Darlene Marie Berberabe bilang kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Inusisa ni Leonen kay Berberable ang patungkol sa aniya’y parte ng unprogrammed funds noong 2024 na galing sa sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Pero paglilinaw ng solicitor general, hindi na umano lumitaw sa 2025 at 2026 ang katulad na funding source.

2 Kano, nasawi sa engkuwentro sa Taboso—NTF-ELCAC

Matatandaang Abril 7 nang pasimulan ng Korte Suprema ang oral arguments sa apat na petisyong pinag-isa para kuwestiyunin ang legalidad ng unprogrammed funds at  insertions sa GAA mula 2024 hanggang kasalukuyan.

Hiling ng mga nagpetisyon na mambabatas, taxpayer, at concerned citizen sa Korte Suprema, ipawalang-bisa ang ginawang adjustments ng Bicameral Conference Committee ng Kongreso para palobohin ang national budget sa tatlong magkakasunod na taon.